CHAPTER 115.

1586 Words

Nagising si Felicity dahil sa kiliti na kanyang nararamdaman sa kanyang leeg. Marahan niyang iminulat ang mga mata. Sumalubong sa kanyang paningin ang mataas ng sikat ng araw. Ikinurap niya ang mga mata. Lumingon siya sa kanyang kaliwang bahagi. Nakita niya si Tinbel na nakaupo habang nakatingin sa kanya. Nakatagilid pa ang ulo nito. “Good morning, Tinbel!” Tumahol sa kanya si Tinbel. Kapagkuwan ay isinuksok nito ang sarili sa kanyang tabi. Napangiti siya. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Naririnig niya ang hampas ng mga alon sa dalampasigan maging ang huni ng mga pang-umagang ibon. Tatlong buwan ng mahigit simula ng dumating siya rito sa lugar na ito. Nasa ancestral resthouse siya ng kanilang pamilya. Dito siya dinala ng kanyang mga kapatid upang pansamantalang mamalagi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD