Mabilis na pumasok si Felicity. Pagdating sa loob ng naturang pasilidad ay saglit siya tumigil at luminga sa paligid. Humugot siya ng malalim na paghinga bago muling humakbang. “Ma'am nasa hardin po ang mama niyo. Anim na buwan na po simula ng dinala siya dito ni Justine Garcia.” “Pwede bang malaman kung anong mental illness meron siya?” “Schizophrenia.” “Schizophrenia.” Hindi makapaniwalang sambit niya. “Wag po kayo masyadong lumapit sa kanya ma'am. Kasi most of the time nagiging aggressive siya at biglang nanakit.” Tatlong lalaking maskuladong ang sumama sa kanya at dalawang health worker. She still can't believe what she saw right in front of her eyes. Nakaupo si Divina sa isang kahoy na bench sa lilim ng mayabong puno. Nagsasalita itong mag-isa habang kumukumpas sa ere ang mga

