It was midnight. Natapos ang lahat ng dapat tapusin. Handa na ang buong DLGC sa pagsalubong ng bagong Chairman of the board at CEO ng DLGC, and finally, nagawa na n'ya ang halos lahat ng ibinilin ng Don sa kanya maliban kay Ma. Feliza Constancia Milano. Mula DLGC ay agad syang tumungo ng Taguig upang sunduin si Felicity. He can't just sit and watch Felicity in a hard situation. Hindi pwedeng wala s'yang gagawin. Hindi pwedeng uupo na lang. Dahil walang traffic ay mabilis n'yang narating ang McKinley Hill Village. Sa labas siya ng village naghintay. He already sent Felicity a message earlier na sa labas ng village n'ya ito hihintayin. He turned off his car engine. Inabot n'ya ang kanyang cellphone sa center console. Tatawagan nya ang dalaga. Bago paman n'ya mapindot ang call button ay na

