Agad s'yang tumayo ng bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Iniluwa mula sa pinto ang kanyang sekretarya habang naka-sunod dito si Justin Garcia. “Iwan mo na kami Myrna,” aniya kay Myrna. Myrna nodded and automatically left. “Have a seat, Mr. Garcia.” “No. Hindi na kailangan. Hindi rin naman ako magtatagal. I just came here to tell you to stay away from my fiance.” Walang gatol na wika ni Justin. Tumawa s'ya ng pagak at isinuksok ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon. “Fiance? Who the hell is your fiance? Sa dami ng babaeng lumalapit at kumakapit sa akin hindi ko alam kung sino sa mga iyon ang tinutukoy mo!” Sarkastiko n'yang tugon. Justin's jaw clenched kasabay ng pagtiim ng mga titig nito sa kanya. “Mukha ba akong nagbibiro, Mr. Vargas?” “Mukha rin ba ako na

