Hawak ni Alfred ang isang palad ni Felicity. Nakatutok sa daan ang paningin ni Alfred habang ang kanang kamay ay nasa steering wheel ng sasakyan. Panaka-nakang lumilingon ito sa kanya at kung minsan ay dinadala nito ang kanyang palad sa labi nito at dinadampian ng halik kanyang likod palad. After the storm, they face all the pain they went through. Here they are, nakapagkit sa labi ng bawat ang matamis na mga ngiti at maging ang mga puso at isip ay nagkaroon ng katiwasayan. Nakakalungkot lang at nasayang ang tatlong taon. Tatlong taon na dapat sana ay magkasama sila at nakabuo na ng sariling pamilya. Napabuntong hininga si Felicity. Alfred squeezes her palm. “What's that sigh for?” She turned her gaze to Alfred and smiled. “Sigh of relief!” Hinawakan niya ang palad ni Alfred at

