Kinuha ni Justin ang napkin table sa kanang bahagi nito, dinala nito iyon sa labi at pinahiran ang magkabilang sulok ng mga labi. “As you can see, Mr. We have plenty of food on our table. So, we don’t need that dish. You can take it away and better bring it home for your girlfriend.” Wika ni Justin sabay kuha ng pinggan na may lamang spaghetti pasta na nasa kanyang harapan. “No,” maagap n’yang hinawakan ang kamay ni Justin at pinigilan iyon sa akmang pagkuha ng pinggan. “Kakainin ko ‘to.” “Babe, mag order na lang tayo. Give it back to him, para sa girlfriend n’ya ‘yan.” Hindi n’ya pinakinggan si Justin. Agad n’yang kinuha ang tinidor sa ibabaw ng mesa at agad na itinusok iyon sa spaghetti at mabilis na sinubo. Hindi s’ya nag-angat ng tingin sa takot na baka makita ang galit sa mukha p

