Felicity is quite excited. Ngayon lang naman ang uwi ni Alfred mula hacienda. Inangat n’ya ang bisig at sinipat ang oras sa relo na pambisig. It was noon. Ang sarap ng hilahin ang oras. Isang araw at gabi lang ang nagdaan ngunit sobrang nangungulila na s’ya sa binata. Gusto na sana n’yang umuwi at tumuloy sa condo ni Alfred at hintayin na lang doon ang binata upang surpresahin ito. Ngunit wala s’yang magawa. Mayroon s’yang CS schedule ilang minuto mula ngayon. “Ma’am ready na po ang operating room.” “Okay, sige.” Agad s’yang tumayo mula sa kinauupuan. Tinanggal n’ya ang kanyang hikaw at maging ang kanyang relong pambisig saka lumabas ng residential suit ng hospital at mabilis ang hakbang n’yang tinungo ang operating room. Pagdating sa operating room ay agad s’yang sinalubong ng isa

