“Justin, a-anong pinagsasabi mo?” Utal n'yang tanong. “I said I like you! Subukan natin.” “You like me?” Mapang-uyam s'yang ngumiti. Kapagkuwan ay tinalikuran n'ya si Justin at kumuha ng pamunas ng kamay at pinunasan ang basang kamay. “Like me then. Hindi ko naman pwede na diktahin ‘yang isip mo o kung ano ang pwedeng mong maramdaman. But then, liking me is still not enough reason para magpakasal ako sayo. Hindi at mananatiling hindi ang sagot ko.” Nagmartsa s'ya papalabas ng kusina. “Felicity, kaya nga subukan natin. Sa ayaw at sa gusto mo ipapakasal tayo ng pamilya natin, sa ayaw at sa gusto mo makakasal ka sa'kin.” Wika ni Justin habang sumusunod ito sa kanya papalabas. Sa hardin s'ya dumiretso. Pagdating sa hardin ay tumigil s'ya at nilingon si Justin. Bumuntong hininga s'ya ba

