Ang bigat ng pakiramdam ko. Nanaginip ba ako o patay na ba ako? Ramdam at naririnig ko na may nagsasalita sa gilid ko ngunit hindi ko sila nakikita. Nasaan ba ako? "Baby girl... baby girl," sambit niya sabay hawak ng aking kamay. Ramdam ko ang mainit-init ng kanyang palad na nakatanday sa aking palad habang pinipisil ito nang mahina, parang may kinatatakutan. Binuksan ko ang aking mga mata at agad kong nakita ang puting kisame na nasa sentro ng aking paningin. Nilingon ko ang paligid at bakit puro puti ang nakikita ko dito? Naaamoy ko rin ang kakaibang bango sa paligid, parang kemikal o droga na hindi ko maintindihan ang amoy nito. Bigla may nagsalita sa gilid ko sabay piga ng mahina ng aking kamay. Agad kong ibinaling ang tingin ko sa kanya. "How are you, baby girl? How's your feeling

