Gulat na nanlaki ang aking mga mata nang makitang agad na sinipa nila si Denver sa kaliwang tuhod nito na siyang ikaluluhod ni Denver, at kaagad nakatutok ang kanilang baril sa ulo ni Denver. Please, nakikiusap ako, wag mabilis kung pakiusap sa kanila. Kumusta ka na, Ms. Madrigal? Diretsong tanong nito, parang namumukhaan ko ang lalaking ito at nakita ko na siya noon, tama, sa isang event. Mr. Ivan, tama 'yan ang tawag sa kanya ni Xyler Ivan. Agad kong tiningnan si Denver, parang may gusto siyang sabihin sa akin na nagbibigay senyales ito. Napapikit ang dalawang mata ko sa kanya at agad ikinuyom ang aking dalawang palad, mabilis akong napatakbo at agad na nagpasilipot sa malaking kahoy nang makita itong mabilis inagaw ni Denver ang isa sa mga taong nakatutok ang baril nito sa kanya, at

