Pagdating ko sa Baguio kasama si Denver, agad kong nilibot ang aking dalawang mata sa paligid. "Ms. Linn, ayos ka lang ba?" diritso niyang tanong sa akin. Kaagad ko siyang tinanguan at naglakad patungo sa aking kwarto. Tiningnan ko ang aking cellphone kung may tawag mula kay Xyler. He still has not called me kahit nandito na ako sa Baguio. Talaga bang he tossed me aside? Wala na ba talaga akong halaga sa kanya ngayon? Bumuga ako ng hangin saka umupo sa malaking kama. Napahilay ang aking ulo sa gilid ng kama habang pinipikit ko ang aking dalawang mata. Kinabukasan, maaga akong gumising at hinarap ang aking computer. Kinuha ko ang aking cellphone saka tinawagan si Mama. Ilang sandali lang ay sumagot ang nasa kabilang linya. "Hello! Linn, kumusta ka na anak?" diritso niyang tanong. "Ma

