"Pinainom tiyak nila ng pampatulog yung babae." Napatingin ako sa dalawang lalake na nag-iinoman habang nakatayo sa kanilang lamesa. Nilapitan ko ang mga ito at sabay silang napatingin sa akin na nagulat. "Sinong babae ang pinag-uusapan nyo?" Tila nila ako nakilala kaya halos mamutla ang mukha nila. "E-Esteban." "Yes. Kaya sagutin nyo ako ngayon din kung ayaw nyong matikman ang kamao ko." Tinignan ko pa muli sila at tila handa na silang sabihin. "Nakita namin yung isang babae. Kinuhanan namin sya ng litrato dahil sexy sya maging ang kasama nya." Hinarap nila sa akin ang kuha nilang litrato sa cellphone at napatiim-bagang ako dahil si Juliet nga. Katawan palang alam ko na. Agad kong hinaklit ang phone nito at binura ang mga kuhang litrato ni Juliet. "So, alam nyo kung sino ang kumu

