Puno ng palitan ng bala ang naririnig ko kaya panay ang tili ko habang napapatakip sa isang tenga at nagpapatangay kay Greyson habang tumatakbo kami. Hinila nya ako palapit sa kanya at nahigit ang hininga ko dahil kung hindi nya ako nahila ay baka natamaan na ako ng bala. "Ayoko na! Umalis na tayo dito." Niyakap nya ako at napaidtad ako ng mapaputok sya ng baril habang nakatago kami sa isang pader. "Wag ka kasing maingay, pareho tayong malilintikan." aniya. Hinila muli nya ako paalis sa pader at kahit sobra-sobra ang gulat ko sa putukan ng baril ay pinilit ko na wag mapasigaw. May biglang sumulpot na tauhan ni Jason sa amin pero bago pa nya kami mabaril ay naitumba na ito ni Greyson. Hindi ko akalain na marami pa palang tauhan si Jason na nakatago. Hindi naman mga barkada nila ang ka

