ALICE POV
"Pa, paano kung makabuntis si Dan? Naalala n'yo ba noong nakaraan na nagpunta dito ang mga kaibigan niya ha? May mga babae din sa kanila!"
Ngumisi lamang ang tatay ko at dumaan ito sa harapan ko, completely ignoring me. Pagewang gewang pa nga itong naglakad saking harapan at pumasok sa kwarto n'ya. Pumasok ako sa kwarto ko at ni lock ang pintuan, I leaned against the door and I cried.
Pagod na ako sa ganitong buhay tapos nawala pa ang kaisa isang iniingatan ko. I honestly did not remember anything sa lahat ng mga nangyari mula sa pagpasok namin sa hotel hanggang sa may mangyari na. Sumasakit ang ulo ko kapag pilit ko itong inaalala ang mga nangyari. Nagayuma nga talaga ako ng lalaking yun na ang kapal ng apog!
Pero maaalala ko siguro ang lahat ng ito kapag nag krus ang landas namin ulit nitong hayop na lalaking ito. I swear, once I see his face, dalawang malutong na sampal ang matitikman niya sa magkabilang mga pisngi at baka putulin ko pa ang nota n'yang ipinasok n'ya.
Until this very moment pa nga ay sumasakit pa rin ang matris ko. For sure ay mega size ang ipinasok nito o yung mga terms ng mga beki sa office namin, 'daks' daw ang ganito!
But fvck you s'ya! He messed with the wrong person, ako pa na broken ang ginanito n'ya! Not just that, ninakaw pa nito ang panty ko! Ano kaya ang gagawin nito sa panty ko? Susuotin niya? Ibibigay niya sa susunod na magiging babae n'ya? Aamoy amuyin nito gabi gabi kapag matutulog s'ya? Patawa s'ya, sobrang kahihiyan ang binigay n'ya! Favorite panty ko pa ang kinuha n'ya!
Buti pa dito sa kwarto ko, ang bango na at ang ayos pang tingnan. Kung ano ang iniwan ko kanina, ito rin ang dinatnan ko. Maayos at malinis, buti at di pumunta dito ang dalawang mga mokong sa bahay dahil kapag pumunta sila dito ay magiging magulo ang buhay ko.
Even though I had slept in that condo earlier, pagod ako and I wanted to do nothing except mahiga sa kama ito. Ngunit nagsuot muna ako ng panty at nagpalit ng maiksing shirt at malaking damit, braless ako whenever I sleep in my room as I am not comfortable. Pakiramdam ko ay sinasakal at nilalamas ang mga s**o ko!
Patalikod akong natulog and I hugged my pillow. I'd like to hug my pillow imbes na ilagay ito sa ulo ko kapag natulog. Tomboyan talaga ang pormahan ko 'pag natulog!
Then, I thought na magiging maayos ang tulog ko but I started hearing someone knocking on the door. Dinedma ko ito kasi malamang ay kaibigan ni papa ang pupunta. Nainis ako ng lumakas ang katok sa pintuan kaya tinakpan ko na kaagad ang aking mga tenga gamit ang una ko.
I sleep but I woke up sa ingay na naririnig ko sa labas. At litaw ang boses ni papa at ang tawa nito na tawang lasinggero! Tumayo ako, lumapit ako sa pintuan upang tingnan kung sino ang kausap nito subalit nasagap ng tenga ko ang isang pamilyar na boses.
"Miss ko na po si Alice!"
Imbes na hawakan ang door knob ay napasandal ako ulit sa pintuan at natulala, napahawak sa dibdib ko. Nakakakulo ng dugo ang punyetang ex ko na nakikitawa pa sa tatay ko!
"Ano ang ginagawa n'ya sa dito sa bahay matapos n'ya akong lokohin at pagtaksilan? Saan ito nakakuha ng kakapalan ng mukha upang magpakita pa rito at humalakhak na parang wala nang bukas?"
Dati rati ay nahahawa ako sa tawa ni Jasper but this time around, I've realized that it's really annoying. Ang sakit nito sa tenga!
Paglabas ko ay nakita kaagad ng mga mata ko ang linis ng kapaligiran. Mabango din at walang kahit na anong trace ng kalat unlike sa nakita ko kanina. And then I turned my eyes sa lamesa, ang dami ng mga groceries at may bouquet of flowers pa. Meron ding cake at chocolate, then ang tatay ko at si Jasper, nakaupo sila sa sofa. Naka sando si papa na puti while my fvcking ex is wearing white polo at maong. Naka de kwatro pa habang kausap si papa, nakangiti at suot ang mamahalin nitong relo na niyabang n'yang bigay daw ng Seaman n'yang tatay!
Napalingon ang tatay ko at kinalabit nito ang hinayupak kong ex-boyfriend.
"Sakto! Nandito na pala ang sinadya mo rito sa bahay, papasok na ako sa loob ng kwarto ko. Bahala na kayong mag usap!"
Sumipol pa si papa at pumasok sa loob ng kwarto nito. Kainis, he knows what happened to me and Jasper. I was actually expecting na sasapakin n'ya ito sa mukha sa una nilang pagkikita ngunit nakipag kwentuhan pa ito! Mautak din ang lalaking ito, dinaan pa sa mga pasalubong kaya siguro nakipag kwetuhan ang papa ko!
Sumandal ako sa pintuan at napatitig si Jasper sa ulo ko hanggang sa bumaba sa dibdib ko! He looks so surprised!
"Anong tinitingin tingin mo ha?" I pointed at the door, "Ang kapal ng mukha mo para magpunta dito! Get out already, you don't need to explain yourself at dalhin mo lahat ng mga dinala mo rito! Kapag ng apog nito!"
I am already yelling and yet he was still looking sa dibdib.
"Hon, wala ka yatang suot na bra!?"
Hinarang ko ang mga kamay ko sa dibdib ko ng sabihin n'ya ito. I forget na natulog nga pala ako ng walang bra kanina!
"BASTOS!" Sigaw ko sabay padabog na sara ng pinto
Tinanggal ko damit ko at nagsuot ako ng bra.
"Alice, mag usap tayo ng masinsinan please! Nag sorry na ako sa papa mo at pinatawad na ako nito kaagad. Kung s'ya nga ay pinatawad ako, ikaw pa kaya?"
"Hoy ang kapal ng mukha mo, Jasper! Kaya ka pinatawad ng papa ko ay dahil sa mga dala mo rito sa bahay!" sagot ko while I am fixing my bra. Nang matapos ay nagsuot ako ng t-shirt at lumabas. When I opened the door, he's smiling at me at dala nito ang red roses sa kamay n'ya.