EPISODE 5

1024 Words
ALICE POV "Flowers mo mukha mo! Umalis ka na nga dito sa pamamahay namin. Di ka na ba nahihiya sa ginagawa mo? Oh sadyang masyadong mababa ang tingin mo sa isang kagaya ko na sa simpleng grocery, red roses at sorry ay magiging maayos na tayo ulit? Porket ikaw ang mas may magaan na buhay compared samin ay ganito mo na kami tratuhin? Get out of here at baka di kita matansya at masampal ko na ang pagmumukha mo!" The moment I yelled straight into his face ay naglaho ang ngiti sa kanyang mukha. "Go ahead and slap me in the face. After all, nagloko ako sayo at kasalan ko kung bakit humantong tayo sa hiwalayan noong nakaraang araw. But trust me, believe me, ikaw ang mahal ko at nandito ako upang suyuin ka. Ang sabi nga nila, love is sweeter the second time around." "Second time around? Anong pinagsasabi mo ha? Ang dami mong mga naiisip na kalokohan Jasper. Wala akong pakialam sa mga pakulo mo, umalis ka na o hahayaan mo pang kaladkarin kita palabas? Buwisit ka! Sobrang kapal ng mukha mo!" In as much as possible, crying is the last thing I would do in front of this man. After seeing him again, I know na mahal ko pa ito and he's the guy I once dream of marrying. Ngunit naglaho ito ng parang bula nang lokohin n'ya ako! "Sorry to make you cry. Aalis ako Alice ngunit tandaan mo na di ito ang huli nating pagkikita. Susuyuin kita hanggang sa maging tayo ulit. But if there is one thing I will ask is for you to accept this flowers kasama ang mga pinamili ko sa pamilya mo!" Tinanggap ko ang bulaklak na binigay nito subalit nang umalis sya sa bahay ay tinapon ko sa basurahan ang bulaklak na binigay ni Jasper kung saan ito nababagay. Kagaya ng relasyon namin na tinapon nito sa pakikipag landian n'ya sa ibang babae! Wala na akong pakialam kung mamahalin ang bulaklak na ito. "Tapos na pala kayong mag usap? Bakit naman tinapon mo ang bulaklak? Ang mahal ng bili ng boyfriend mo tapos itatapon mo lang!?" Kinagat ko ang nguso ko sa labis na inis. Ang papa ko, madali talagang masilaw sa mga material na bagay na binibigay ni Jasper kaya kahit na ako ang kawawa sa relasyon namin, ito ang kinakampihan nya. Minsan nga ay napapa isip ako kung si Jasper ba ang totoo nitong anak! Humarap ako sa kanya na may pasimpleng ngiti. May hawak pa nga syang kape sa kanang kamay nya. Ganito naman sya pagkatapos nitong malasing. "Pasensya na ha? Kasi di na po kami magbabalikan ng ex boyfriend ko. Break na kami at kahit na ilang dosena pa ng mga bulaklak ang ibigay nito ay di na nya maibabalik pa ang relasyon namin." "Nako, baka tumandang dalaga ka na nyan, Alice! Sayang, ang tagal nyo na ni Jasper tapos makikipag break up sa kanya. Bigyan mo sya ng chance para makapag asawa ka na!" Pinandirian ko ang sinabi ng papa ko. Ang lakas nya mag joke ng wala sa hulog eh! "Ano ito? Is he my last hope? Ganun na ba ako kapanget para di na magustuhan ng ibang mga lalaki? Para sabihin ko, marami pang nagkakagusto na guys sakin. Tingnan nyo, paglipas ng isang linggo ay magiging taken na ulit ako!" When I finished talking, Dad suddenly spoke to me with another topic. "Nga pala, naimbitahan tayo ng tita Eunice mo sa party nya. Matapos ng labinlimang taon na pamamalagi nito sa banshang America, babalik sya dito sa Pinas!" "Tita Eunice?" Sambit ko, walang ganitong binabanggit na pangalan si papa noon sa akin. I really thought na wala kaming kamag anak. "Oo, di ko ito nabanggit sayo noon kasi nga nasa abroad sya at wala pang social media kaya di rin kami nakapag usap ng maayos. Mayaman ang tita Eunice mo at gusto tayo nitong imbitahan sa party nya na gaganapin sa mismong araw ng pagpapatayo nya ng negosyo!" Hay naku! Pass ako sa mga ganitong event ng kamag anak na hindi ko naman talaga personal na kilala. Baka magaya pa ito doon sa isang movie na napanood ko noong nakaraang buwan na tatanunungin kung kamusta ang buhay. Ano ang mga achievements namin at ano na ang nararing ko? Malamang may anak yun for sure at baka kasing edaran ko pa ano ang maipagmamalaki ko sa kanila eh pakiramdam ko ay wala nang tatalo sa akin sa pagiging isang dakilang HAMPASLUPA! "Pass po pa! Wala akong panahon na umattend ng ganyang klase ng party. Busy po ako sa trabaho ko!" "Oh bakit!?" Mariing sabi nito, halata ang pagtutol sa mukha ng tatay ko. Baka nagsabi na ito na pupunta kaming lahat sa party at ayaw nito na mapahiya! "Di pwede, nakakahiya ito sa pinsan ko! Sinabi kong dadalo tayong lahat, gusto ka rin sana makita ni Ninong Dave mo." Nagulat at natawa ako kay papa nang banggitin nito ang tungkol sa Ninong ko. Akala ko ay wala akong Ninong kasi mahirap lamang ako. Well, di pa rin ito sapat upang magpunta ako sa party na ito. Mas gugustuhin ko pa na mag mukmok sa magandang kwarto ko than attend that party. Baka kapag pumunta ako doon ay mag mukha pa akong pulubi. Wala pa naman akong matinong dress na pwede kong suotin. Isang dress lang ang matino at bigay pa ng ex boyfriend ko na plano kong sunugin! "Busy po ako pa! May pasok ako sa office, sayang ang araw, marami pa akong mga gagawin." "Sige na, sabado yun gaganapin at magpapadala ang tita mo ng mga susuoutin natin. Sinabi ko kasi na wala akong matinong damit, wala akong pambili at dinamay ko na kayo!" Napakamot ako sa papa ko sa irita ko rito. "Papa ang kulit mo! Basta kahit na sabado pa ito gaganapin ay di pa rin ako sasama!" Mabilis akong naglakad papasok ng bahay at nang malampasan ko na ang papa ko ay humirit pa ito ng pagsasalita. "Kukuhain ka ng tita mo bilang isang model. Nakita nya ang hitsura mo kasi binigay ko ang peysb**k account mo. Di ba pangarap mong maging isang model?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD