EPISODE 6

1027 Words
ALICE POV Noong teenager girl pa lamang ako ay pangarap ko nang maging isang model ngunit napagkaitan ako ng tadhana. Naging bigo ako sa pag audition ko kasi it's either ayaw nila or masyadong mapang husga ang mga mata nila dahil sa morena akong babae. Kaya napilitan akong mag trabaho na lamang at isinantabi ang pangarap kong ito. Pero mukha yatang nagbubukas ang pintuan ng isang oportunidad. May kislap ng star sa mga mata ko, ang sarap pakinggan ng mga sinasabi niya. Kung kanina ay wala akong gana na pumunta, now ay sobrang excited na akong magpunta doon. Niyakap ko ang tatay ko mula sa likuran nito. Ang tagal na nga noong huli ko itong nayakap, paano parati itong amoy alak. "Sige po pa! Pangako ko sa inyo na pupunta po tayo sa party ni tita Eunice." "At sana rin ay kasama natin ang boyfriend mo para maipakilala mo din sa kanya!" Mabilis kong tinanggal ang mga kamay ko sa higpit ng pagkakayakap ko sa tatay ko. Nabalot akong muli ng inis sa katawan. Dapat bang isabit ang isang lalaking hiniwalayan ko na? "Pa, sa susunod na lamang natin pag usapan ang tungkol dito kapag wala na kayong amats!" "Si Jasper ang naglinis ng bahay natin kanina. Nagulat nga ako paglabas ko kasi nakita ko siyang nagpupunas ng lamesa. Masipag na lalaki s'ya, maaasahan at mahal ka n'ya!" he said ng humarap s'ya. Grabe! Si Jasper ang nanloko ngunit ako pa ang nagiging masama sa paningin ng tatay ko. Baka talagang ampon lang ako sa pamilyang ito!? Baka si Jasper ang totoo n'yang anak? "Madali po iyan sabihin sa inyo kasi 'di kayo ang niloko! Ngunit wala nang mas sasakit pa kapag nahuli mo ang boyfriend mong may kalaguyong ibang babae. Tagos sa puso ang sakit!" "Baka kasi nagloko ka rin pero di ka nahuli ni Jasper!?" Ang seryoso ng pagsasalita nito ng muling humarap pero parang isang malaking kalokan ito na di ko lubos maisip na mang gagaling sa bibig n'ya. Para nga itong isang lyrics ng kanta! "Nagloko ako?" napabungisngis ako, "Saan n'yo napulot ang sinasabi n'yo? Sa ilang taong relasyon namin ng boyfriend ko, ni minsan ay 'di sumasagi sa isipan ko ang lokohin si Jasper. Yung totoo, sino ba sa amin ang anak n'yo?" "Sige na, magkulong ka na ulit sa kwarto mo. Ikaw na ang magluto ng pagkain natin mamaya!" Dumeretso na s'yang muli sa kwarto n'ya. Ako, naupo sa sofa namin at napatitig ako sa napakaraming grocery na binili ni Jasper. Nakaka inis ang lalaking iyon, talagang nagawa n'yang makuha ang loob ng papa ko. Ako ang nagmumukhang masama kasi iisipin ng papa ko na matitigil ang ayuda namin. Daig pa nga yata namin ang nasalanta ng bagyo sa mga dami ng mga grocery dito na natitiyak kong di tatagal sa papa at kapatid kong dambuhala ang mga tiyan. Pumasok ako sa kwarto ko ngunit di na ako dinapuan ng antok kaya napag pasyahan ko na kuhain ang lahat ng mga binigay ni Jasper sakin mula noong time na naging kami. Itatapon ko na rin ang lahat ng mga ito upang mas malaman n'ya na wala nang pag asa na magkabalikan pa kaming dalawa. Baka nga sunugin ko na ang mga ito ng tuluyan, ano ba ang mapapala ko sa mga ito kung ipapaalala nito ang kawalang hiyaan na ginawa n'ya? Medyo nakaka pagod ang ginawa ko ng alisin ko ang lahat ng mga gamit na binigay n'ya. Magmula sa medyas, sapatos, sandals, panty, bra, mga damit, pantalon, hello kitty stuffed toys, bags, walang nakalusot sa paningin ko. Tanda ko lahat ng mga binigay n'ya simula noong naging kaming dalawa. Paano, mas mamahalin pa ang mga gamit na binigay ni Jasper kesa sa mga gamit ko. May kaunting panghihinayang man but I'd rather burn them than to remember him every time na gamit at nakikita ko ang mga gifts n'ya. And I have come to realize na halos lahat din pala ng mga gamit ko ay galing sa boyfriend ko— wala nga halos natira subalit masaya ako na gagawin ito! Tinabi ko sa isang sulok ang lahat ng mga gamit na ito. Kinalat ko na kasi ano pa ang silbi ng pag aayos ko ng mga ito kung itatapon o susunig ko na? I am torn kung ano ba ang magandang gawin dito so mamaya na ako magkakaroon ng final decision! I rearranged my cabinet and my bed, my table at lahat ng mga nakadikit na picture namin sa vanity mirror ko ay tinanggal ko na rin. Ang dami naming mga bonding ni Jasper, ang dami namin mga napuntahang lugar at sariwa pa sa mga alaala ko ang mga ito, especially noong nagpunta kami ng isang Beach sa Batangas and we had a simple dinner date that time. Kusa nang pumatak ang luha sa mga mata ko. Labis akong nang hihinayang sa relasyon na binuo namin. Akala ko ay going strong kami ngunit nasira itong lahat sa isang pagkakamali. I wanted to love him more ngunit tiwala na ang nawala at ang hirap na nitong mabuo. 3 pm ng hapon, nilagay ko sa basket ang unang batch ng mga itatapon kong gamit na binigay ni Jasper. As I opened the door, nakita ko si Dan. Nakasando s'ya at hiphop ang pormahan, may hikaw pa sa kaliwa nitong tenga! Parehas sila ng hitsura ni papa kapag nalalasing. Naku! Kumulo ang dugo ko ng makita ko ang pasaway kong kapatid! Binagsak ko nga ng padabog ang basket at dinuro ko ito habang papalapit ako! "Hoy Dan! Saan ka galing ha? Ang galing mo naman, feeling mo ay mayaman ka na may yaya dito sa loob ng bahay!?" Nakangiti lamang ito at mas lalo akong naaasar sa ginagawa n'yang ito! Amoy na amoy ko nga ang alak nang lumapit ako sa kanya. "Ate, nagpaalam ako kay papa na iinom ako. S'ya pa nga ang nagsabi na minsan lang daw ako maging binata kaya dapat sulitin ko na. Kita mo, buti pa si papa ay supportive, ikaw ang kill joy mo!" Parang si papa na rin ang kausap ko, kuha nila parehas ang pagkayamot ko! Mas matindi pa ito kesa sa pagreregla ko eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD