EPISODE 7

1022 Words
ALICE POV "Di ako killjoy! Natatakot ako na baka mapariwara ang buhay mo kaya bilang nakakatandan mong kapatid ay sinusuway kita!" nakapamewang pa ako ng pagalitan ko ang kapatid ko. And in spite nagging to him, he stayed calm and unbothered. Manang mana ito sa tatay ko eh! Tumingin ang mokong na ito sa dala ko. "Oh bakit may dala kang mga gamit ate? Aalis ka na ba?" "Di ako aalis," paninigaw ko, "Susunugin ko ang lahat ng mga gamit na binigay ng manloloko kong ex-boyfriend. May angal ka?" paninindak ko sa kanya. Marami din mga gamit na binigay si Jasper sa kapatid ko ngunit wala na akong pakialam doon. I don't even mind kung magkikita sila ni Dan basta sa ibang lugar kasi pag pumunta s'ya dito, papaalisin ko talaga ang kumag na 'yun! "Ate... 'di ba puro branded ang mga binigay sayo ni kuya Jasper? Para ka na rin nag "Eh ano ngayon kung puro branded ang binili n'yang mga gamit ha? Manloloko s'ya at dapat lang na gawin ko ito para maglaho na s'ya ng tuluyan sa buhay ko!" "Ate, naisip mo ba na pwede ka pang kumita ng pera kapag binenta natin ang mga gamit mo? Pwede ko yan ibenta sa kapatid ng tropa ko. Sakto, matabi din 'yun at mahilig sa mga branded na damit. Basta walang amoy putok ang damit mo, mabebenta ko iyan!" Napataas ako ng kilay sa sinabi ng kapatid ko! "Hoy ang kapat wala yang putok kahit na jan ka pa tumira! At anong sinasabi mong mataba ako ha? Ang sexy ko kayang babae, kapal ng mukha mong magsabi ng ganyan sa taong nagpapaaral sayo ha, basta susunugin ko ang mga ito kasi may sumpa na! Mag hugas ka ng pinggan mamaya at linisin mo ang cr ko at ang cr niyo. At ugali mong mag linis dito sa bahay ha? Di tayo mayaman at wala tayong mga katulong na pwede mong asahan kaya magkusa kang kumilos. Malaki ka na at dapat di na ito sinasabi sayo!" Lumabas si papa sa kwarto nito na nakabusangot ang mukha at naka palupot ang mga kamay sa dibdib. "Ano ba kayong dalawa ha!? Nasa palengke ba kayo? Ba't ang iingay n'yo?" "Sinuway ko lang itong kapatid ko kasi anong oras nang umuwi at amoy alak pa!" Akala ko ako lamang ang mag susumbong ngunit di nagpatalo ang kapatid ko. "Pa, balak po ni ateng sunugin ang mga binigay ni kuya Jasper sa kanya. Ang mahal pa naman ng mga branded na binigay ni kuya Jasper." "Kaya nga! Sayang ang mga binigayni Jasper. Isipin mo, wala kang pambili ng mga ganyang damit kapag sinunog mo dahil lang sa di ka maka move on. Magbabalikan din naman kayo ni Jasper kasi sinabi n'yang babalikan mo raw s'ya. Matampuhin ka lang daw ngunit magiging kayo rin uli!" "Hay nako ang kapal ng mukha n'ya! Subukan n'ya lang talagang pumunta dito!" Lumabas na ako buhat ang basket sa dalawa kong kamay. Imbes na magpapigil ay mas nais ko pa tuloy na na sunugin ang lahat ng mga ito! Paglabas ko ng pintuan, huminto sa tapat ng bahay namin ang isang sasakyan! Ang kotse na ito, nang makita ko ay sumimangot ako ng abot langit at nabitawan ang dala kong basket. Grabe, sukdulan na yata ang kakapalan ng muka ang lalaking ito na pumunta dito kahit pa sinabihan ko na s'yang wag nang magpapakita pa! Bumaba ng kotse si Jasper at iba na ang suot n'ya. Naka sando na ito at naka shades, may dala itong isang wine sa kanang kamay n'ya. Ang lakas makayabang ng ngiti n'ya sakin pero mas niyabangan ko ang ngiti ko tinuro ko ang aming basurahan kung saan ko itinapon ang mamahaling bulaklak na dinala nito kanina. For sure, mawawala ang ngiti nito sa labi kapag nakita n'ya ito! "Good day hon!" Ang lawak pa ng ngiti nito sa labi na akala mo ay wala itong ginawang mali. "Tumingin ka naman sa basurahan namin para malaman mo kung ano ang tinapon ko!" Nang tumingin s'ya ay lumapit ito sa basurahan at kinuha ang bulaklak. Then he approached me and I warned him. "Sige! Subukan mo pang yumapak papalapit, I will make sure sasampal ko na yang ubod ng kapal mong mukha." "Ano ba? Ba't mo ito itinapon ha? Ang mahal kaya ng bili ko dito, 2500 ang ganitong klase ng bulaklak tapos itatapon mo lang?" Aba! At talagang iniyabang pa n'ya ang pagbili n'ya ng ganitong klase ng bulaklak! "So what if mahal ang binili mong bulaklak? Itatapon ko itong lahat, sayang ang pera mo at sayang ang punta mo. Plano mo pa yatang mag lasing ha!? Bakit ka pumunta dito?" "Pinapunta ko s'ya!" Tumingin ako kay papa na lumabas ng bahay. Mas naiinis ako, nandito ang lahat ng mga taong kinaiinisan ko! "Pa! Bakit pinapunta mo dito ang unggoy kong ex ha? Gusto mo yata akong mas lalong magalit eh!" "Bakit? Ako naman ay may ari ng bahay na ito ha? Anak lang kita at ako pa rin ang masusunod dito sa loob! At ngayon na nandito ka sa harapan ni Jasper, sabihin mo nang balak mong sunugin ang lahat ng mga binigay nitong damit sayo!" "Po!" sabi ni Jasper na napa react kaagad! Ngumisi ako nang humarap ako sa lalaking ito. "Eh ano ngayon ha!? Anong gagawin ko dito sa mga damit na ibibigay mo? Ipinapaalala lamang nito ang mga kawalang hiyaan na ginawa mong manloloko ka!" Dito ay naglaho na ang mayabang na ngiti ng ex boyfriend ko at tumamlay ang kanyang mga mata. Tinamaan na yata s'ya kaya mas lumawak pa ang ngiti sa mga labi ko. "Please don't this, tatanggapin ko pa kung sasampalin mo ako ng malutong sa magkabilang mga pisngi ko ngunit wag naman sana na umabot tayo sa ganito!" "Ang galing mo 'no? Sa lahat ng mga taong manloloko, ikaw pa ang may gana na mag demand from me? For your information, di kawalan ang lahat ng mga gamit na binigay mo sakin so wag masyadong mataas ang tingin sa sarili, ok?" "Ate, ubos na pala halos ang mga gamit mo sa kwarto mo!" pag singit ni Dan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD