ALICE POV
Napaligiran ako ng mga nakaka yamot na tawanan nilang lahat. Pinagtutulungan ako ng tatlong mga ugok na ito. Kaya mas lalo ko na tuloy ayaw magtiwala sa mga lalaki!
"Hon, wag mo na kasing itapon ang mga gamit mo. Kaya ko nga 'yun binigay sayo kasi kaunti ang mga gamit mo."
"Bakit wala ba akong trabaho ha? Kaya kong bumili ng mga gamit kahit na di kasing branded ng mga binili mo. As long as I will not remember you!"
"Tama na yan, Alice!" pag singit ni papa. "Bawal magsunog dito sa Subdivision natin, nakikita mong may sakit yung kapitbahay natin sa baga at kapag nireklamo tayo, baka may penalty pa ito. Wala tayong perang pambayad! At isa pa pala, iimbitahan ko si Jasper sa pagpunta sa tita Eunice mo sa paparating na Sabado. Kotse n'ya ang gagamitin natin para naman di tayo gagamit ng traysikel papunta doon. Sana kahit isang beses ay maranasan natin makadalo ng party ng mga mayaman. Eh baka iyon na ang una at huli nating kain!"
"Teka? Akala ko ba ay susunduin tayo ng sasakyan nila tita?" tanong ko, ang gulong kausap ni papa!
Napakamot ito sa tenga n'ya!
"May sinabi ba akong ganun? Ang pagkaka alala ko ay ihahatid dito yung damit natin ng sasakyan nila. Pero masyado nang nakakahiya kung magpapahatid pa tayo sa tita mo kaya dapat na kasama natin si Jasper!" pagdadahilan pa nito, lasing s'ya kaya siguro iba iba na ang lumalabas sa bibig n'ya!
Inarapan ko ang papa ko at nagmaktol akong pumasok sa loob ng bahay namin at nag kulong sa kwarto ko. What can I say? Sa amin ng papa ko, s'ya ang madalas na nananalo sa mga ganitong klase ng arguments at pinapa mukha nito na anak ako at s'ya ang masusunod!
Kung may ibang lugar sana ako na pwede kong puntahan upang makapagtago ako sa ex ko. Pakiramdam ko ay ang liit ng mundo para sa amin. Naiwan ko pa ang mga gamit na binigay n'ya doon sa labas but I swear, if I can't burn those things, mainam pang itapon ko ang mga ito o ipabenta sa kapatid ko. Pero I will never use any of those anymore.
Sa mga sumunod na araw ay naging lutang ako— ang daming laman ng isipan ko. Una, sumasagi sa isipan ko na di na ako virgin and I have no idea kung paano ito haharapan. Paano na ang future husband ko, is he going to accept me kapag nalaman n'ya na naibigay ko na ito sa iba? Diring diri ako sa sarili ko and no matter how many times I try to remember all the things that happened, sumasakit lang ang ulo ko.
Aside from that, sobrang kulit pa ni Jasper na araw araw nang nasa bahay namin. Daig pa n'ya ako kung maka stay doon. Hays! Grabe sa kakapalan ng mukha n'ya, kung ano ano ang mga binibigay, tinatapon ko sa basurahan ang mga bulaklak ngunit si papa ay tinatabi hanggang sa malanta sa bahay.
Ang dami rin nilang natatanggap ni Dan galing sa ex ko kaya nga love na love nila si Jasper at parati nila akong kinukulit na balikan ko raw ito ngunit nagmamatigas ako!
As if tanga ako para mahulong sa patibong ni Jasper. Hihintayin kong magsawa na ang lalaking ito sa kakahabol and then s'ya na mismo ang aalis sa buhay ko. Tiis muna ako sa nangyayari, naniniwala ako na giginhawa din ang sitwasyon ko once na nagsawa na s'ya at pagod na itong suyuin ako.
Saturday morning, nag day off ako sa work ko. Supposedly ay papasok dapat ako sa office but nag drama ako at sinabi ko sa boss ko na may sakit ako ngunit eme lang ito upang makadalo ako sa pa party ng sosyal kong ito while kaming buong pamilya ay social climber na dadalo sa party ng mga rich at kasama ang rich kids nilang mga anak.
I wish na sana ay walang anak si tita Eunice na babae na ka edaran ko. Ang dali ko pa namang ma insecure, madali kong maramdaman na panget ako kapag nakakakita ako ng babaeng mas maganda at angat sa buhay- I am just a human na pinag kaitan ng tadhana.
I am here in my room right now, nakaka ilang hikaw na ako ngunit until this very moment, ang hirap na hanapin sa mga ito ang babagay sa mamahaling red long gown na pinadala dito kagabi sa bahay ng isang mamahaling sports car— mas mahal pa ito sa sasakyan ni Jasper.
Pag pinagtabi nga siguro ang sasakyan nila ay magiging luma ang sasakyan ng EX ko! Ganito kaganda yung sasakyan na kahit gabi na ito dinala ay kita pa rin ang ganda noong sports car! Malalaos ang pinagyayabang nitong sasakyan!
Ang sakit na ng tenga ko sa kakatusok ko kung ano ang nararapat na na hikaw na susuotin ko. At may isa pang problema, maging ang kwintas na susuotin ko ay nawawala pa! Kelangan kong i-impress si tita Eunice upang makapasok ako bilang isang modelo sa kumpanya nito.
Naku! Once na makapasok ako doon sa agency n'ya, mas hahabulin ako ng ex ko na maglalaway pa kapag nakita kung gaano ako kaganda today. But sad to say, mas matigas pa ako sa bato so hanggang takaw tikim lamang ito!
"Ate matagal ka pa ba ha?" Ang tanong ni Dan sa labas, nakaka urat pa nga itong kumatok, akala mo ay sisirain nito ang pintuan!
"Matagal pa bakit? May angal ka ba? Maaga pa naman ha?"
"Ate pakibilis sana kasi malapit na raw si kuya Jasper. Ang sabi nito ay nasa labas na s'ya ng ating village, maaga tayong aalis kasi baka ma traffic pa tayo!"
"Bahala ka sa buhay mo! Matuto ka kayang mag hintay?" paninigaw ko pa sa kapatid ko.
"Ano ba, Alice, aalis na tayo, wala nang igaganda ang mukha mo. Kahit na ilang beses mo pa yang tingnan sa salamin ay ganyan na talaga yan ang mukha mo!"
Basag na naman ako kay papa lalo na nang marinig ko silang nagtawanang dalawa. Nabadtrip ako kaya di na ako nag suot pa ng hikaw. Bahala na, bawi ito sa make up ko kapag nakita ako ng tita ko! Baka nga mapagkamalaan pa akong tagapagmana ng company sa ganda ko!