EPISODE 9

1030 Words
ALICE POV Binitbit ko ang red clutch kong binili ko sa Baclaran at huling sulyap muna ulit sa salamin bago ako lumabas. Buti pa itong red clutch ko, bumagay sa suot kong red gown. Ngunut ang nilalaman lamang nito ay ang karag karag kong cellphone na puno ng selfie ko, kaunting pera, ilang pirasong candy, at higit sa lahat ang lipstick ko panyo. Dati may dala rin akong maliit na salamin ngunit nauso na kasi ang front camera ng cellphone kaya ito na ang ginagamit ko kapag tinitingnan ko ang sarili ko sa camera. Soon enough, kapag naging model na ako, sana ay makabili na ako ng bago kong phone. And speaking of this phone, I haven't deleted lahat ng mga photos namin ni Jasper at di ko pa ito bina block sa aking social media account but once this day is over, I will definitely do that! Isang hirit muna ng selfie sa salamin bago ako tuluyang lumabas. Mirror selfie ito at sabay palit kaagad ng profile picture ko. Ang saya ko and I am looking forward for this day to happen and now it's really happening. Ano kaya ang hitsura ni tita Eunice? Given na siguro na isa itong magandang babae, balingkinitan ang katawan at malakas ang appeal! But sana ay di ito masungit na tao and approachable, "Ano ba Alice? Lalabas ka ba jan o iiwan ka namin?" sigaw ni papa galing sa labas. Ang lakas pa ng pagkatok nito sa pintuan, animo'y balak n'ya itong sirain. Binuksan ko ang pintuan ng ako ay nakabusangot. Ganto rin ang hitsura ni papa at si Dan, nakita ko na nag aayos pa ng buhok sa harapan ng salamin. Parehas silang nakasuot ng itim na coat na para ba silang mga negosyante na parehas magulang! "Anong ginawa mo sa loob? Ba't ang tagal mo?" nakabusangot na tanong ng papa ko. "Pa! Kasi kelangan kong ayusin ang hitsura ko. Ang unfair na ako ay pinagalitan mo pero ang isa diyan, di mo man lang sinuway eh panay ang papogi sa salamin. Feeling pogi, wala namang pera!" pang aasar ko sa kapatid ko habang nakatingin ako rito sa salamin. Dinilaan ko ni Dan sa harapan ng salamin at nag duling dulingan pa ito. Kuha n'ya ang inis ko parati. "Tinanggal mo na ba ang lahat ng mga naka saksak jan sa kwarto mo ha?" "Opo pa! Di ako nag iiwan ng gamit na nakasaksak sa kwarto ko. Ewan ko lang sa isang yan!" Panay pa rin ang pa pogi nitong si Dan. At sa labas ay narinig namin ang busina ng isang sasakyan, ang busina na nagpawalang gana sakin. Sobrang sakit na nga nito pakinggan sa tenga. "Sakto nanjan na pala si Jasper!" sabi ni papa na binangga ni Dan at humarap sa salamin. Inayos nito ang kanyang coat sa harapan ng salamin. Magkasing amoy sila ni Dan. Iisang pabango ang ginamit nila pero gusto ko ang amoy nito. Sanay din ako sa mga mumurahing pabango kaya di ito masangsang sa ilong. Umupo muna ako sa sofa ng nakapalupot ang mga kamay ko sa aking dibdib at naka dekwatro ako. Naririnig na ng mga tenga ko ang papalapit na yapak ng paa ni Jasper and as soon as he step foot inside, napatingin ako sa kanya. Shit! Ang aliwalas ng mukha ng ex ko! Napatitig ako rito mula paa hanggang sa ulo n'ya. Ang lakas ng dating nito, bumagay ang white na sapatos, pantalon, at coat sa kanyang kaputian. Ang ayos n'yang tingnan, mala artistahin at ang lalim pa ng mga dimples ng ngumiti. He is really handsome, yung tipong ang sarap halikan. Ngunit sumama ang tingin ko rito ng maalala ko ang ginawa nitong panloloko. He's not the guy I used to love anymore and that's more than enough para maglaho ang pagka akit ko rito! At ang nakakatawa pa ay di na ito nadala. Nagdala ulit s'ya ng bulaklak na katulad ng dala n'ya nitong mga nagdaang araw. May panibago akong bulaklak na itatapon sa basurahan. "Hon, flowers for you!" ang tamis pa ng ngiti ng kumag na ito ng tumabi sakin. Umusog ako sa sofa and I ignored him. "Tito, mauna na po kayo sa sasakyan. Sa likod po kayo sumakay, si Alice po ang nasa unahan." Nagmadaling pumunta sila papa at Dan sa loob ng kotse ni Jasper. Nahihiya na nga ako sa ginawa nila! "Hon, please tanggapin mo itong bulaklak." Tumingin ako ng may naiiritang mukha sa kanya. "How many times do I hate to tell you na useless ang pagbibigay mo nang ganyan. Sasayangin mo lang ang pera mo sa pagbili ng bulaklak na yan." "How about this?" sabi n'ya pa. Nilapag n'ya ang bulaklak sa lamesa at may kinuha ito sa loob ng coat n'ya. "Anong kalokohan kaya ang susunod mong gagawin?" tanong ko rito. Kinuha n'ya ang isang box sa loob ng coat n'ya. "Isuot mo ito. Binili ko nitong nakaraang araw, babagay ito sa dress mo, Alice. Cartier ito, branded at maganda ito kapag sinuot mo. Alam kong iniisip mong mga sosyal ang pupunta doon sa event ng tita mo kaya suotin para tumaas ang confidence mo." Nilabas n'ya ang kwintas at hikaw. May kislap sa mga mata ko ng makita ko ang mga ito. Ang dali kong masilaw sa mga materyal na bagay! Naging lutang ako kaya kukuhain ko na sana ang mga ito sa kamay ni Jasper subalit inilayo n'ya ang mga ito. "Ooops! Bago ang lahat, dapat bati na tayo. Ayoko na magkaaway tayo, dapat magkasundo tayong dalawa. Nakakahiya kasi kung mag aaway tayo doon sa party ng tita mo." Nakaka inis, ginagamit pa n'ya ang mga ito para magbati kami. Pero isang araw lamang ito, kaya kong makipag plastikan sa ex boyfriend ko kapalit ng mga ibibigay n'ya. "Fine! Now, give those to me para maisuot ko na. Baka naiinip na sila papa sa loob ng kotse mo!" "Ako na ang magsusuot ang kwintas mo Alice, para mabilis tayo." "Sus! Kunwari ka pa, gusto mo lang na dumiskarte sakin!" Ngumiti lamang si Jasper. Tumayo na ako at sinuot ang mga hikaw sa harapan ng salamin dito sa sala namin. At sinuot ni Jasper ang kwintas mula sa likuran ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD