(ALICE POV) Natatawa pa din ang mokong na ito kahit na dapat ay nasasaktan ito sa mga sinasabi ko. "Weh hindi nga? Alam kong nagpapakipot ka lang Alice. Ngunit naniniwala ako na babalikan mo din ako!" Inirapan ko lamang ito. Asa s'ya na magiging easy to get akong babae. He is so full of himself and that is what I dislike about him the most. Nagpatuloy kami sa panonood namin ng mga models until matapos ang mga ito. Inabot kami ng isang oras halos sa panonood. Nag enjoy naman ako pero ang buong pamilya ko at itong si Jasper, all of them ay busog ang mga mata at sure ako na kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ng mga ito. Pumunta si Ninong Dave sa table namin at may inabot itong sobre kay papa na kaagad nitong ibinulsa. Ang kapal ng sobre at malakas ang kutob ko na pera ang laman nito.

