(ALICE POV) Of course need kong bumanat upang makaganti ako dito sa bully kong kapatid sa mga naging atraso nito. "Don't worry po Ninong Dave, mabait na lalaki po ang kapatid ko. He never accepts money po kaya ayos lang sa kanya na si papa ang binigyan n'yo," panti trip ko sa kapatid ko. Mabilis naman umapila ang kapatid ko sa pabibiro ko rito. "Ninong, wag po kayong maniniwala sa ate ko. Ang lakas lang ng trip n'ya. Eh wala po akong source of income kaya maraming salamat po sa kahet na magkano man ang inyong iaabot." Ang kapal ng mukha nitong si Dan na ang lakas ng loob magsalita ng ganito. Maka demand, akala mo ay s'ya ang inaanak. Marahil ay parehas din kaming mukhang pera ngunit mas malala ang sa kaniya. Pero nagsalita itong si papa na halatang nahihiya din sa nangyari. "Sig

