(ALICE POV) "Alice, di ito gawain ng ninong mo. Mag-ingat ka sana sa mga binibitawan mong salita. Ang pagtulong nya ay walang hinihiling na ano mang kapalit. Ako na ang nakikiusap sa iyo anak, marunong tayong tumanaw ng utang na loob. Pero marahil ay tama ka din na dapat ay matuto rin tayong magbalik ng tulong. Ngunit dapat ay ayusin mo ang pananalita mo sa kanya." "Oo nga, Alice!" pag-sang ayon ng kupal kong boyfriend na 'di naman kasali sa usapan ngunit biglaan ang pagsabat. "Ba't ang init yata ng ulo mo sa ninong mo? May nagawa ba itong mali sa iyo?" I turned my gaze at him, "Shut up! Mas mainit ang ulo ko sa iyo, hitsura neto! Kanina ba solve na solve ang mga mata mo sa mga babaeng models dito ha! Umuwi ka na kaya ha?" Natatawa pa ang lokong lokong Jasper na ito. Ang sarap sungaln

