REIN's POV “Daisy okay ka lang?” tinapik ako ni Maine habang nakain kaming dalawa dito sa canteen, kasabay ko siya ngayon dahil hindi na naman dito kumain si Knight. Kasama niya na naman si Sir Jack at nag gala sa free time niya, alam mo ‘yun? Ilang linggo na silang ganoon at hindi ba sila nagsasawa sa isat-isa? Saka mag best friend lang ba talaga sila? Bakit ganoon nakakaimbyerna! “Girl, stop thinking of none sense thing. Lalaki silang dalawa at inggit ka lang dahil walang time sayo si hardinero,” napanguso ako. “Oo na inggit na ko, gusto ko din ganoon kami ka close.” nag smirk siya sa’kin sabay irap. “You’re so blunt talaga, edi agawin mo ‘yung time ni Knight tsk, kadali dali eh.” napataas naman ang kilay ko sabay subo ng hipon. “Eh baka magalit si Knight at isa pa anong kara

