KNIGHT's POV Hindi maari ito, bakit sa dami ng tao sa mundo siya pang kaibigan ko ang maaring tumapos ng buhay ko. Napahawak ako sa ulo ko at iniisip na naman ang mga nalaman ko kanina lang. Araw-araw kami nagkikita ni Jack para magkwentuhan at magpalitan ng mga kaalaman tungkol sa mga bagay na pareho naming gusto pero kanina lang ay dinala niya ko sa isang lugar na kinagulat ko, isang pasilidad na ang mga nagtatrabaho ay pumatay at nang huhuli ng kauri ko. Halos mangatog ako at hindi mapakali kung anong dapat kong ikilos sa harap ng mga kaaway ko o ng mga taong iniiwasan ko, buti na lang at hindi nila ako nahalata at itinuring kauri nila pero sigurado ako kung nalaman nila ay isang malamig na bangkay na ako ngayon. Pagtapos nun ay kumain kami sa isang restaurant at na gulat ako sa bi

