REIN's POV 9 months na ang baby namin ngayon, sabi ni Maine kabuwanan ko daw ay December at na tyempuhan pa sa taglamig. Sa panahon kung saan ako sobrang hina. “Kaya mo ba?” Paikot-ikot siya sa harap namin ni Maine, hindi siya mapakali sa kinatatayuan niya. "Kaya ko ‘to ano ka ba,” hinawakan naman ng best friend ko ang kamay ko, umuwi siya dito nung kasal namin ni Knight at dito na din na nirahan kasama ang asawa niyang si Sir Jack. Buti na lang talaga at OB-GYN ang isang ‘to kung hindi patay kami. Hindi kasi namin alam kung normal ba ang magiging anak namin dahil hindi kasi normal ang pagbubuntis ko, para na din akong werewolf na sabik sa mga hilaw na karne, kahit nandidiri ako ay kumakain pa rin ako para sa anak ko. Isa pa December na ngayon at ka buwanan ko pa, hirap na hirap na a

