MAINE POV 4 years since nung na matay siya, lahat kami nun tulala at hindi matanggap ang mga nangyari habang umeeko ang iyak at hinanakit ni Knight sa loob ng puting kwartong ‘yun. Yung lalaking hindi mo mapagsasalita ng malakas, noon iyak ng iyak ng sobrang lakas kasabay ng iyak ng bagong silang nilang anak. Pakiramdam ko nga nung araw na ‘yun umiiyak na din ‘yung anak niya sa maagang pagkamatay ng nanay niya, kawawang bata ni hindi niya man lang nakita ang mama niya. "Mamu tignan mo oh,” lumuhod ako para tignan ang drawing niya, "See ito kayo ni papu at ito ako.” turo niya sa mga drawing niya. "Eh sino naman ‘to ng nasa gilid ni papu Kier?” ngumiti siya na parang nahihiya. "Ti papa ko ‘yan.” pinat ko ang ulo niya. "Good job! Ang ganda ng drawing mo next time isama natin si mama

