REIN's POV Sabi nga nila pagmasaya ka masyadong mabilis ang oras at hindi mo na mamalayan lumipas na pala ang panahon. Yung panahon na akala mo sobrang tagal pa para makamit mo? Sa isang iglap nasa harap mo na. "Daisy congrats!” Niyakap ako ni Sir Francis at tinapik ang mga braso ko. "Salamat Sir” "osige mamaya pupunta ako sa bahay mo ah para magcelebrate, aasikasuhin ko lang ang iba pang istudyante.” Tumango ako at lumapit naman sa’kin si Knight. "Congratulation Daisy,” ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya, madaming nakatingin samin pero wala na kong pake halata naman na siguro nila simula pa sa una na kami nang dalawa ng poging boyfriend ko na tinatawag nilang hardinero. “Salamat Knight! Pwede na ko makapaghanap ng stable na work na malaki pa ang sahod plus makakapag turo pa k

