KNIGHT's POV Pagmulat ko ng mga mata ko ay tumambad sa’kin ang, teka ano nga ba ‘to, inamoy amoy ko ‘to at sobrang lambot inaantok pa ko at gusto ko pang matulog lalo na sa amoy na naaamoy ko ngayon, sobrang lambot sa pwesto ko at ang gaan sa pakiramdam. Muli akong dinalaw ng antok at idinantay ko ang mga binti ko, naramdaman ko namang may gumalaw kaya binuksan ang mga mata ko at tumingala saka dumungad ang magandang mukha ni Daisy. Tinitigan ko siya habang natutulog at ang ganda niya kahit pa nakabuka ang bibig niya at medyo magulo ang buhok niya. Mga ilang minuto pa bago ko mapagtanto kung asan ang pwesto ko kaya naman parang gusto kong kainin na lang ng lupa sa pinaggagawa ko. Ito pa lang malambot at makinis na bagay na nasa harapan ko ay mismong dibdib niya na at siya pala ang naam

