Maruem Malakas na umalingaw-ngaw ang sirena ng kastilyo. Tumunog ito ng sobrang lakas kaya napatakip ako sa tainga. Sinarado ko na rin ang aking bintana dahil iyon ang bilin ng hari at reyna. Inayos ko naman ang kurtina upang makasilip ako. Nang mawala na ang malakas na sirena ay inayos ko ang lamesita. Inilagay ko ito at inipod papunta sa may gilid ng bintana. Kinuha ko rin ang upuan at inilagay ko sa tapat ng mesa. Hinalughog ko ang mga cabinet upang humanap ng papel at lapis. Nang makakita ako ay agad akong naupo at sumilip. Nagsisigawan sa ibaba at pinilit ko itong pinakinggan. "Magsikilos kayo! Mabilis na bumalik ang lahat sa kaniya-kaniyang tahanan! Walang lalabas at walang sisilip sa bintana! Malakas ang dragon at maaaring wasakin ang sangkalupaan! Magtago ang lahat at walang lal

