Maruem Tinawag na Gruash ang kanilang mundo dahil pala sa isang dahilan. Mula sa drawing na aking nakikita, nalamang isang buo lamang palang lupain ang mundo ng Gruash kung kaya't ito ang tawag dito. Mula sa isang lupain, hinati ito ng mga diyos at diyosa upang lumawak pa. Nagkaroon ng iba't ibang bansa ngunit ang nasa gitnang bahagi na hindi nabuwag ay tinatawag na "Makasaysayang Gruash" o ang "Ancient Gruash". Kaya pala Gruash, Gruash ang tawag sa bansang ito. Hindi na rin naman nakapagtataka ngayong alam ko na. Hindi lamang ako nakatira dito kaya hindi ako sanay sa ganoong tawag. Sa ibang mundo kaya ay mayroon ding tulad nito? Pareho ang pangalan ng bansa sa kanilang mundo? Nahihiwagaan kasi ako. Sunod naman kaming dumako sa tatlong bundok na sinasabi ni Arizona na aming lalakbayin.

