Maruem "Ipagpaumanhin niyo sana ang hindi magandang bungad ng aming bansa sa inyo. Nalaman kong ang mga terorista ay kinainitan kayo bago pa lamang ttumapak sa aming lugar at nilusob noong pa noong kasama ang aking anak na si Prinsesa Arizona. May mga problema talaga ang aming mundo sa mga terorista. Tungkol ito sa mali raw naming pamamalakad at ang pagtaliwas nila sa mga layunin ng diyos at diyosa. Dahil hindi na raw sila pinagpapala at hindi raw talaga totoo ang mga ito. Sila ay mga lapastangan," pagpapaumanhin ng hari. Ngumiti naman si Leus at umiling. "Wala ho iyon. Kabado pa nga ho kami dahil baka hulihin matapos paslangin ang ilan sa kanila. Matatapang sila at talagang brusko sa lugar. Hindi ko nga lang tiyak kung sinasaktan nila ang mga mamamayan," sabi naman ni Leus. "Iyon din a

