Maruem Lahat sila ay napatigil dahil sa pagtataka. Napatingin silang lahat sa itaas para alamin kung ano iyon. Taka pa rin sila maging ang hari at reyna. Hindi nila alam at kita ang pattern na nasa kisame. Ang mga ulap at ang dalawang kastilyong magkatabi. Halatang mayroon dito na mabubuong pattern oras na iguhit sa mas maliit na papel. "Ano ang iyong ibig sabihin? Maaari mo rin bang ipakilala ang iyong sarili kung ano ang iyong pangalan? Hindi pa sa amin nababanggit ni Arizona," tanong ng reyna. "Ako si Haring Maruem Ezekiel Crimson ng Coran Kingdom, mahal na hari at reyna. Nagmula ako sa mundo ng mga bampira tulad ng pakilala ni Prinsesa Arizona," pakilala ko. "Ikinakagalak kong makilala ka, Maruem. Kilala ko ang iyong ama. Kaedaran ko lamang siya noong napunta siya rito. Kumusta ang

