Maruem "Maligayang pagdating sa kaharian ng Sientro! Ito ang aming kastilyo. Malaki ito at pwede kayong maglibot," masayang sigaw ni Arizona. Napalibot naman ako ng tingin sa kanilang kastilyo. Maganda rito ngunit halata ang makalumang disenyo ng paligid. Ito kasi ang uso sa kaniya. Ang kwarto rin kaya ay ganito ang disenyo? May bagong nakikita na naman ang aking mata. "Gibra at Por, dalhin niyo sila sa kanilang mga tutuluyang silid. Naayos niyo na ba ang kanilang mga susuotin na damit mamaya?" tanong ni Arizona sa dalawang katulong na lumapit sa amin. Maliit silang dalawang halimaw. Kulay asul ang kanilang mga balat. Mahaba at kulot din ang kanilang buhok. "Opo, mahal na prinsesa. Masusunod po," nakangiting sabi ng isa sa kanila. Nagpaalam na sila Leus kay Arizona. Sumunod naman ka

