Maruem Kinabukasan ay natapos din si Arizona sa kaniyang ginagawa at paglalakwatsa. Ngayon daw kami pupunta sa palasyo o kastilyo kung nasaan ang kaniyang ama at ina. Ngunit bago iyon, sabay-sabay kami mamaya na tatawag kay Clarissa upang tanungin ang tungkol sa aming totoong pakay. Para din tanungin ang mga lugar na aming pupuntahan. Maaga akong nagbihis at nag-ayos ng sarili. Inayos ko na rin ang aking mga dadalhin. Tatlong oras daw mula rito sa Graffity ang pabalik sa Sientro, sa mismong gitna kung nasaan ang kaharian ng hari at reyna na kaniyang ama at ina. Doon pala siya nanggagaling nitong mga nakaraang araw. Maigi at natitiis niya ang napakahabang paglalakbay. Sabagay, halatang gala naman itong si Arizona. Nang makababa ako sa harap ng entablado ng Graffity ay walang nagsasayawan

