Maruem Ilang araw ang nakalipas at dito kami tumuloy sa Graffity. May mga pribadong kwarto rito sa baba kung saan kami pwedeng magpahinga at matulog. Dito na rin kami tumutuloy pansamantala habang hinihintay si Arizona na tapusin ang mga kailangan niya bago sumama sa aming paglalakbay. May mga gulo at papeles pa raw siyang dapat ayusin. Hindi ko nga alam kung bakit siya nagba-bar pa gayong marami pala siyang dapat gawin. Hindi niya inuuna kung ano ang dapat. Naalala ko naman noon ang tagpo namin ni Arizona. Napailing ako at pilit na iwinaksi iyon sa isipan. Hindi ko alam ngunit bakit ba sobra akong lapitin ng mga babae? Iyong mga hubad pa? Sobra na akong gumagwapo. Kung kaya ko lamang bawasan ngunit hindi. Pinanganak akong mayroong ganitong kamandag at karisma. Hindi mawawala ito. Binat

