CHAPTER 28

2335 Words

Maruem Nang makababa kami sa barko ay binaba na rin namin ang aming gamit. Sa aming beywang namin itinali ang mga pouch. May lubid sa aming bag kaya nakagawa kami ng sinturon. Mas maigi ito dahil kapag nawala ang bag at nanakaw, hindi mawawala ang susi sa amin. Paniguradong mahalaga ito, kailangan naming ingatan at protektahan. Maalikabok ang barko, nalangitngit din ang bawat kahoy na aming naaapakan. Ngunit kahit mukhang isang ihip na lamang ito ng hangin, hindi naman nila ito ipapagamit kung hindi kami aabot sa kabilang ibayo. Puwera na lamang kung may parte iyon ng pagsubok pero huwag naman sana. Muli na kaming bumalik sa itaas at umakyat kami patungo sa may mga kwarto. Hindi kami marunong magmaneho ng barko at hindi namin alam ang gagawin. Wala pa namang binibigay sa amin na mga uto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD