Maruem Mainit na liwanag ang tumatama sa aking balat na nagpagising sa akin. Napamulat naman ako at tinakpan ang aking mga mata dahil sa liwanag. Nanlaki ang aking mga mata nang maalalang isa akong bampira at hindi pwede maliwanagan. "Ahh! Liwanag!" sigaw ko at mabilis na napatayo. Napapagpag ako sa aking balat sa pag-aakalang nasusunog na ako. Napatigil ako nang pumasok sa utak ko ang lahat ng kaganapan ngayon lang. Ngayon na lamang ulit ako naging lutang. Parang ilang segundo nawala ang lahat ng alaala ko sa mga nangyayari. Nasa ninth gate na nga pala kami at naglalakbay sa gitna ng dagat. Hindi nga pala kami masusunog dito dahil protektado ang aming balat mula sa barrier na bumabalot sa barko. Ngunit, ngayon ko lamang naranasan ang pagtama ng sinag ng araw sa aking balat. Nakakapas

