CHAPTER 41

1165 Words

Maruem "Maligayang pagdating, Maruem." Matapos sumayaw ni Arizona sa entablado ay bumaba ito at naglakad papalapit sa amin. Kumuha ito ng dalawang kopitang wine sa dumaan na waiter bago ay nagpatuloy papalakad sa amin. Ngumisi siya at lumapit sa amin. "Haring Maruem, Haring Salome, at Haring Leus, ikinagagalak ko ang inyong pagdating. Napakatagal ko na kayong hinihintay na makarating dito. Simula nang marinig ko ang inyong pangalan ay inalam ko na ang tungkol sa inyo," nakangising bungad ni Arizona Gruashka. Ibinigay niya sa akin ang hawak na kopita ng wine. Kinuha ko naman ito ngunit hindi pa rin ako nagsasalita. Nakatitig lamang ako at nagmamasid. "Ano ang pangalan mo? Hindi sa akin nasabi na may kasama pala kayong magandang babae. Kaninong nobya ka?" tanong ni Arizona Gruashka kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD