Maruem Nagtipon-tipon kaming tatlo rito sa control room o ang lungga ng kapitan ng barko. Tahimik pa rin si Leus at aligaga. Iniintay niyang mabuhay si Maletosa mula sa ginawa niya kaninang muling pagbuhay, ang konbersyon ni Maletosa sa pagiging bampira. Napailing na lamang ako, imposible iyon. Matapos ring makalayo ng aming barko ay tumigil ito. Mukhang kailangan namin na tawagan muna si Clarissa at sabihin ang mga nangyari. Hindi rin namin dapat ilihim ang tungkol kay Maletosa. "Ano kaya ang mga susunod na mangyayari sa atin? Mas bibigat kaya?" tanong ni Salome. "Walang nakakaalam niyan," sagot ko naman sa kaniyang tanong. Tinapik ko naman ang aking relo. Doon lumabas ang nakangiting imahe ni Clarissa habang nakatitig sa aming lima. Napahinga naman ako ng maluwag, sa wakas ay uusad

