Maruem "Hoy gago tara na! Napakaraming mga sirena na ang lumalangoy kaya umalis na tayo! Mapapalibutan na tayo at tiyak na malilintikan!" Nagpalinga-linga naman ako para hanapin si Salome na sumigaw. Tumayo ako habang hawak ang espada. "Nandito ako sa taas, Maruem! Ano ba ang ginawa sa iyo ng mga nakalaban mo at parang nawala ka na sa sarili!?" sigaw na naman ni Salome. Nang mapatingin ako sa taas ay nandoon siya sa butas. May butas nga pala roon na ginawa ko kanina. Bakit parang nawala nga ako sa sarili sandali? Dahil ba marami akong iniisip o dahil doon sa usok na itim? Bumaba si Salome sa butas at kinaladkad ako. Nagpatianod naman ako sa kaniyang hila. Sabay kaming lumundag sa butas at nang masikatan ako ng araw ay bumalik ako sa wisyo. Nawala ang aking pagiging lutang. "Anak ng,

