Maruem "Mayroong 12 palapag ang toreng ito, tinatawag iyon ng Blood Compact Organization bilang 12 gates of hell na sumisimbolo rin sa nakatalang 12 mundo na natuklasan na. Sa 12 palapag ng toreng ito ay makakaranas kayo ng iba't ibang initiation. Lahat kayo ay makakaramdam ng sakit at hindi niyo maaaring saktan ang nagbabantay at gagabay sa inyo sa bawat palapag. Hindi rin pwede ang pagsuko dahil wala kayong magagawa kung hindi ang tapusin ang bawat palapag. Ang unang makakatapos ay makakakuha ng merit point mula sa amin. Mas maganda rin iyon dahil mauuna niyong maranasan ang mga pagsubok at magkakaroon kayo ng ideya para sa mga paparating pa," paliwanag ni Ezra. "Kaya sa lahat ng kalahok, galingan niyo at tibayan ang inyong katawan. Lahat ng bagay ay pinaghihirapan, tandaan niyo iyan. L

