Maruem Inabot ng apat na oras ang paggaling ng aking buong katawan, mas maaga kaysa sa tantya ng mangkululam. Hindi na rin masama, mabilis na iyon para sa akin. Maayos na ulit ang aking pakiramdam at gwapo na ulit ako. Maaari ko nang ibalandra ang aking gwapong mukha. Kakabihis ko lamang ng bagong unipormeng isinusuot namin. Itong kulay gray na kung tawagin yata ni Chadler ay coordinates. Presko naman ito ngunit mas gusto ko pa rin ang aking signature look habang suot ang mga paborito kong tuxedo at amerikana. Nakatatak na sa aking pangalan ang pagiging pormal. Niyurakan nga lang ni ama ang aking pagkabampira nang pagsuotin niya ako ng polo shirt na bitin. Hindi ko iyon makakalimutan kahit kailan. Nakatitig lamang ako rito sa salamin ng banyo. Tinitingnan ko ang aking mukha. Wala na ako

