CHAPTER 1

1213 Words
Maruem "Please enjoy the evening, everyone. Grab a cup of blood. Do as you please," anunsyo ng aking ama. "Mabuhay ka, Emperador Julyan! Isa ka sa mga emperador na enggrande kung magbigay ng selebrasyon sa tuwing nag-aanibersaryo ang mga kaharian. Mas marami pang yaman sa inyong kaharian," sabi naman ni Haring Wond, hari ng Trou Kingdom. "Yaman para sa Coran Kingdom!" pag-aalok ng aking ama para sa isang toast. "Yaman para sa Coran Kingdom!" sigaw naman ng mga haring nakapalibot sa kaniyang upuan. Uminom naman ako ng dugo mula sa aking kopita. Dinilaan ko ang aking labi para masaid ang dugong dumampi sa aking mapulang labi. Rinig ko ang bulungan ng mga prinsesa sa malayo. Ramdam ko rin kung paano nila ako titigan nang may pagnanasa. Tinanggal ko ang aking suot na amerikana at iniabot ito sa alalay na katabi. Itinaas ko naman ang manggas ng aking suot na long-sleeves. Mas rinig ko na ngayon ang mabilis na pagtibok ng kanilang mga puso. Nag-aalab na ang kanilang pagnanasa. Ipinakita ko ang aking braso na ubod ng puti. Kunyari kong tinitingnan ang aking ugat sa braso ngunit mas lalo ko lang itong pinalabas. Napangisi naman ako nang marinig ang kanilang mga bungisngisan. Binuksan ko rin ang unang dalawang butones ng aking suot. Rinig ko na ang paggalaw ng upuan sa malayong kaliwang bahagi ko, mitsa na isang prinsesa ang naglalakad papalapit sa akin dahil sa mala-bulaklak na amoy ng pabango niya. "Prinsipe Maruem, nakikilala mo pa ba ako?" tanong ng isang tinig na papalapit. Nakangisi akong humarap sa prinsesang papalapit. Matalas ang pandinig ng mga bampira kahit sa malayuan. Kaya kong marinig kahit simpleng pag-ipod ng mesa. "Hindi na kita naaalala, binibini. Ngunit tiyak kong ang prinsesa na may katulad mong ganda ay hindi ko makakalimutan ang pangalan. Nais mo bang ipakilala ang iyong sarili?" tanong ko gamit ang aking mapang-akit na boses. Bumilis ang t***k ng puso ng prinsesa at napakagat-labi. Hinapit ko ang kaniyang bewang papalapit sa akin. Nang maamoy ko ang kaniyang leeg ay tiyak kong panandaliang naging kulay pula ang aking mga mata. Malinis ang prinsesang ito, amoy ko rin ang kaniyang mabangong dugo. "Ako si Prinsesa Dianesa, isang prinsesa mula sa kaharian ng Betruven. Nagkita na tayo noong dumayo ka sa aming kastilyo upang magbigay ng mensahe mula sa iyong ama," sabi naman nitong prinsesa gamit din ang mapang-akit na boses. Napangisi ako at uminom ng dugo mula sa aking kopita. Tumingin naman ako sa paligid, walang kakaibang nakamasid sa amin pwera na lang sa nararamdaman kong titig ng kapatid kong si Claire. Wala naman iyong pakialam sa akin, basta ay hindi siya madadamay. "Gusto mo bang pumunta tayo sa lugar na walang makakaabala sa atin? 'Yong tayong dalawa lang?" mapang-akit na bulong sa akin ni Prinsesa Dianesa. Napangisi ako at tinitigan siya. Maganda ito, mayroong maamong mukha at maputing balat. May itim na buhok at kulay lilang mga mata. Kilala ang Betruven Kingdom sa kanilang mga maharlikang mayroong lilang mata. Unang beses kong makakatikim ng isang Betruven ngayong gabi. Tiyak na masarap ang kanilang dugo. "Sumunod ka sa akin," malamig kong sabi rito at tumayo. Nauna akong pumunta sa banyo. Pumasok ako sa banyo ng mga lalaki. Nanalamin ako at tiningnan ang aking sarili. Muli kong sinara ang aking butones na binuksan kanina. Tapos na ako sa mga laro. Gusto ko ngayon ng sariwa at masarap na dugo. Nagugutom ako, hindi sapat ang magandang klase na dugo ng hayop na inihain kanina. Mas gusto ng aking panlasa ang dugo ng malilinis na prinsesa. Sino ba naman kasi ang hindi mabibihag sa aking itsura? Sa ganda kong lalaki ay halos lahat ng prinsesa ay bubukaka. Titikman ko ang dugo ng bawat isang prinsesa mula sa iba't ibang kaharian. Napangisi na lamang ako, tiyak na mabubusog na naman ako ngayong gabi. Narinig kong bumukas ang pinto. Doon din nanuot sa aking amoy ang bulaklak na pabango ni Prinsesa Dianesa. Papasok na ito sa banyo. "Sa ganda ng iyong itim na buhok, makinis na balat, matangos na ilong, perpekto ka na talaga, Prinsipe Maruem. Gusto mo bang mapangasawa ko? Ipinapangako kong araw-araw kitang paliligayahin," matapang na tanong nitong prinsesa. Mabilis pa sa hangin itong lumapit sa harap ko. Akmang hahawakan ako nito nang marahas at mabilis ko siyang ihampas sa pader. Naging pula ang mata ni Prinsesa Dianesa dala ng takot. "Ano a-ang gagawin m-mo?" kinakabahan nitong tanong. "Wala akong oras para sa mga prinsesang hayok sa tawag ng laman. I just want your blood. Tigilan mo ang pang-aakit sa akin dahil hindi iyan tatalab," matigas kong sabi at sinunggaban ang kaniyang leeg. Marahas kong tinakpan ang bibig nito dahil sa kaniyang tangkang pagsigaw. Matamis ang dugo nito na nakapagpapula sa aking mga mata ngunit mas masarap pa rin ang dugo ng mga prinsesa mula sa Ditan Kingdom. Ang kahariang kilala sa pagkakaroon ng dilaw na mata. Nakaka-apat na lagok pa lamang ako mula sa prinsesang ito nang may malakas na humuli sa aking leeg at marahas akong ibinato sa dulo ng banyo. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang aking ama. Nagngangalit ito sa galit. "Patawarin mo ang karahasan na ginawa ng aking anak kay Prinsesa Dianesa, Haring Yulo. Hayaan mong tulungan ko ang inyong kaharian. Huwag sanang makalabas ang eskandalong ito," matigas na sabi ng aking ama sa ama ni Prinsesa Dianesa. Sinakal ako nito at sa isang iglap ay nasa sala na kami ng kastilyo. Nandito ang aking kapatid na si Chadler, nagbabasa ng libro. Sumisipol naman itong pumuslit palayo upang hindi madamay. "Maruem, wala ka talagang kwenta! Ano pa bang kahihiyan at eskandalo ang dadalhin mo sa imperyong ito? Inaasahan kong magiging hari ka ng Coran Kingdom at papalit na emperador sa akin ngunit puro kabulastugan ang inaatupag mo! Kung inilalaan mo ang atensyon mo sa pagpapalabas ng iyong abilidad ay baka natuwa pa ako sa iyo! Malas ka talaga sa lahat ng naging panganay na prinsipe! Hindi ako makapaniwalang wala kang utak! Ang prinsipeng pupulutin sa kangkungan! Patunayan mo pang eskandalo lamang ang madadala mo sa kahariang ito, ako na mismo ang kikitil sa buhay mo. Umayos ka, Maruem. Ang mga mata ko ay laging nakabantay sa iyo," gigil na sabi ng aking ama. Sa isang iglap ay nawala ito sa harap ko. Nagtangis naman ang aking ngipin dahil sa kaniyang sinabi. Puro pangmamaliit lamang ang lumalabas sa kaniyang bibig. Sumuko na ako sa pagpapalabas ng abilidad ko dahil naisip kong baka wala talaga ako nito ngunit nagsisikap pa rin akong magpalakas gamit ang aking natural na vampire strength. Inaamin ko rin na hinihintay ko itong dumating ngunit ayaw ko namang masyadong umasa dahil baka masaktan lamang ako. 30 taong gulang na ako at ako ang dapat pumalit sa trono sapagkat iyon ang nararapat pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang aking abilidad. Totoong nakatakda akong sumunod sa yapak ng ama kong (hari at) emperador ngunit wala siyang bilib sa akin. Imbis na tulungan niya akong tumaas, siya pa ang nangmamata sa akin at lalo akong ibinababa. Kilala ako bilang si Prinsipe Maruem, isa sa pinakagwapong prinsipeng bampira sa balat ng Underworld. Ngunit kilala rin ako sa Underworld bilang kauna-unahang maharlikang nilalang na panganay nga ngunit wala namang abilidad. Doon ako nabansagan ng mga hari bilang walang kwenta at batang dapat pulutin sa kangkungan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD