Maruem "Napapansin mo ba si Maruem? Parang lagi siyang hinihimatay, parang may sakit. Hindi kaya may sakit ang lokong iyon? Malay natin hindi lang nagsasabi malapit na pala siyang mamatay. Tapos kaya pala sumasama lalo ang ugali niya dahil namomoblema siya kung paano magsasabi ng huling habilin," rinig kong tanong ni Salome mula sa labas. "Hindi ko alam ngunit may punto ka. Baka nga may sakit iyon. Kakatikim niya iyon panigurado ng iba't ibang babae. Hindi ba at mahilig iyon sa prinsesa? Yari siya," nakangiwing sabi naman ni Leus. "Nako, baka mahawa tayo! Dapat natin na komprontahin si Maruem tungkol d'yan. Hindi siya pwedeng maging emperador o hari kapag nalamang may nakakahawang sakit siya dahil sa pakikipagtalik," mas pinahina pang sabi ni Salome. Napailing naman ako at napahilot sa

