Chapter 12

1173 Words
Hariette's POV Nakakaapat na baso na ko ng wine, pero hindi pa rin gumaganda ang pakiramdam ko. Gusto ko na sanang umuwi kanina pa pero wala naman akong pambayad sa ininum ko dito at wala din akong pamasahe pauwi. Gosh, Hariette! You’re so weak doing this to yourself for that froggy ugly girl. “Kuya, isa pa po.” inabot naman agad ni Kuyang pogi ang isa pang baso ng wine. Ininom ko kagad ito, at humagod agad sa lalamunan ko ang alak. “Eeh, pait talaga.” “Hi there!” bati sa akin ng isang lalaki. May itsura naman at mukhang mayaman, pwede na. “Kanina pa kita napapansin, i bet you’re alone here.” tumango naman ako. “Well, hindi na ngayon. Sayaw tayo? You’re here to enjoy the night. Let’s go.” inilahad niya ang kamay niya sa akin ng nakangiti. “Sure.” Sabay tanggap ko naman ng kamay niya. Tama siya, I’m here to enjoy not to be gloomy. Nasa gitna kami ng dance floor, sayaw lang ng sayaw. Hindi ko ito ginagawa unless kasama ko si Darille, pero siguro dahil na rin tipsy na ko ng konti lumakas na ang loob ko. May 30 minutes na rin akong nagpaikot ikot sa dance floor at nakisayaw sa kung sino sinong lalaki, kaya naman nakaramdam na talaga ko ng hilo. Napahawak na lang ako bigla sa noo ko kaya nagpaalam muna ko sa kasayaw ko para umupo at magpahinga na muna. “Tired?” tanong ng isang pamilyar na boses. “A bit.” I answered. Siya yung una kong nakasayaw. He’s cute, yeah pero mas cute pa rin talaga si Mr. Tocson ko. I want him here. I wish he can see me like this para maguilty siya. Hay. He made me feel this way... alone. “Here. Ladies drink lang yan, tikman mo. It’s especially for a sweet girl like you, para naman matanggal yang iniisip mo.” inabot niya ang isang baso ng ladies drink daw sabay ngiti ng nakakaloko. “No thanks, I’m fine here.” tanggi ko. Yung ngiti niya kasi nakakakilabot parang may maitim na balak. Shemaaay, Hariette. Lasing ka lang? Kung ano ano agad naiisip. Binigyan lang ng ladies drink, may balak agad? “Tanggapin mo na, last na yan. I’m pretty sure, you will like it.” Ngumiti siya ulit, and this time he smiled like him... like Mr. tocson. Anyare sa mata ko? Sean’s POV Naihatid ko na sa condo niya si Crystal, umuwi ako ng hindi pa rin mapakali. I don’t know but I think something is wrong. Papasok na sana ko ng mapansin ko ang bike na nasa gilid ng gate. Hindi ko ito napansin kanina. Ayoko na sanang pakialaman pa yon pero tiningnan ko narin. Kinuha ko ang papel at ang wallet na nandoon sa may basket nun. I read it all. Eto yung, assignment ni Hariette. Hindi ko naisip na seseryosohin niya ang paggawa nito. I felt guilty. Tiniklop ko na ang papel na yon pero may napansin akong nakasulat sa likod. Ano yun? P.S: I just wanted to say sorry for being such a spoiled brat kid to you, I promised that I’ll try to behave. Oops, Naaaah, I won’t try but I’ll do It for you. Keep that. Keep me to you... The prettiest lady in the world, Mrs. Tocson “Hariette. You’re such a…” napailing na lang ako at napabuntong hininga. Agad akong sumakay ng kotse. I have to do something good this time. Naikot ko na buong subdivision, nakapunta na rin ako sa bahay nila pero wala siya doon. Hindi pa alam ni Mr. Ruiz na nawawala si Hariette, and it’s all my fault. I had tried to call her several times pero hindi niya sinasagot. “Where are you, Hariette?” Natadyakan ko ang sarili kong kotse sa inis. Hindi ko na alam kung saan ko pa siya hahanapin. Geez! Bumalik akong muli sa bahay nila dahil baka sakaling nakabalik na siya, pero wala pa din. And for the 20th time, I call her again. Nagring na. “Sagutin mo, Hariette please.” inis kong bulong. “Hello?” “Hello? Where on earth are you Hariette? Kanina ka pa hinahanap sa inyo!” sigaw ko agad. “Wait, I’m not Hariette.” sagot nito tska ko lang napansin ang boses ng nasa kabilang linya. Boses ng lalaki. s**t! “Who are you? Where’s Hariette?” gigil kong tanong. “Easy dude, she’s with me. Nasa secret bar lang kami, enjoy kasama itong gf mo ah. Makulit pero sweet.” “Don’t you dare touch her.” Banta ko sa kanya. “Unless she says so.” “Keep. Your. Hands. Off. Her. Or. YOU. ARE. DEAD.” I hanged up, napahampas ako sa manibela. Nagdrive na ko at agad pumunta sa secret bar. Geez, Hariette. I’ll swear, makakapatay ako kapag may ginawa siya sa iyo. “Shot pa, babe.” alok ulit sa akin ng lalaking ito. Kanina ko pa napapansin, kanina pa niya ako inaabutan ng wine. Gusto siguro talaga nitong malasing ako ng tuluyan. And he succeed dahil kanina pa din umiikot ang paningin ko, nagdadalawa na nga siya eh. “Last na to ah, ayoko na *huk* talaga e.” sagot ko naman sa kanya for the 10th time. Ang sakit na talaga ng ulo ko. “Sure babe, your wish is my command.” Ngiting aso ito. Iinumin ko na sana ang wine na hawak ko ng may pumigil sa akin. “What do you think you’re doing, Hariette?” tanong ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko but I can’t figure it out. Kanino nga ba ang boses na 'yon? “Well, as you can see I’m drinking *huk* sooo w-want some, boy? *huk*.” Humarap ako sa kanya at inabot ang alak pero hindi niya ko pinansin. Bastos to ah. Tsk, sino nga ba yung bastos na kilala ko? Nilabas niya ang wallet niya at naglabas ng pera, at inilapag sa mesa. Baket kaya? Iinom din ba siya. Another kainuman na naman ba ito? Hindi ko na kaya ah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD