Tinalikuran ko na siya, nakakairita kasi ang mukha niya. Ang sarap lang niyang balibagin sa sahig. Palakad na ako papunta kay Sean pero bigla siyang sumigaw. "Sean! Help! Help me, please!" sigaw ng impakta. Kunot-noo akong napalingon sa kanya, sabay ang pagtalon niya sa pool ng nakaharap sa akin. Nag-iwan pa siya ng isang nakakainis na ngiti. Anong pakana ito? "What the hell is she doing? Nababaliw na ba ang babaeng 'yon? Hay, grabe!" napailing na lang ako na lumapit sa gilid ng pool. Kung baliw ako ay mas baliw ang isang ito. "Help! Help me, Hariette! Please!" sigaw pa rin niya na patalon-talon sa pool na akala mo'y nalulunod nga siya. "Ano namang drama 'yan? Huh. Do you think na mapapasakay mo ako sa kalokahan mo? You are a crazy b***h!" sigaw ko sa kanya. "Hariette! Why don't you

