Hariette's POV Nagising ako na ang sakit-sakit ng ulo, super! Ano bang nangyari sa akin at para akong binagsakan ng malaking bato sa ulo ko tapos feeling ko ang bigat-bigat ng katawan ko. Inalala ko naman ang mga pangyayari kagabi pero medyo malabo iyon. “I trust you.” Bulong niya sa tenga ko at niyakap ako. "I'm sorry for hurting you and I'm here to fix everything." Humigpit ang yakap ko sa kanya, tanda na narinig ko ang sinabi niya. Matagal kaming magkayakap no'n tapos nagsalita ulit siya, iyon 'yong naalala ko. “Well, okay. I lose. This time, you won, Hariette. Fine! You’re such a...a damn pretty spoiled brat kid,” inilapit niya ang mukha niya sa akin and he kissed me and then I closed my eyes. Hindi ko na matandaan ang nangyari pagkatapos no'n. Natuptop ko ang bibig ko, isa lang

