Hariette's POV “I-DIDN’T-KISS-YOU!” sigaw niya sabay harap sa akin bigla, kaya naman tumama ang mukha kong maganda sa macho niyang dibdib. Oh my gosh, tukso! Lumayo ka sa akin! Kaya bago pa man mawala ang katinuan ko dahil sa abs niya at sa kagwapuhan niya ay nagsalita akong muli. Kailangan ko siyang mapaamin. “Sa pagkakaalala ko kasi, hinalikan kita but then you kissed me too... so, nasaan doon ang hindi mo ako hinalikan?” taas kilay kong tanong. “Pwede ba? I’m not here to talk that kind of stuff,” siigaw niya na namumula ang mga pisngi. Hindi ko alam kung dahil sa nahihiya siya o dahil galit na talaga siya. “Ayaw mo lang naman kasi mabuking. So, how was my kiss? Was it sweet? Was it good enough?” sunod-sunod kong tanong. “YOU-SHUT-UP!” sigaw niya iyong tipong sasabog 'yong eardrums

