Hariette's POV "Hindi mo ba talaga ako na-miss?" tanong ko pagkapasok sa loob ng classroom. "Why would I?" diretsahang sagot niya. "Hindi mo ba ako gusto?" malungkot kong tanong. "Hindi ka man lang ba nagagandahan sa akin o kaya naseseksihan? Hindi mo man lang ba ako type kahit kaunti?" "Why do you keep on asking those stupid questions?" galit niyang tanong at lumapit sa akin. "Alam mo na ang mga sagot sa mga tanong mong 'yan so stop asking me." "Why not?" napakunot ang noo niya. "Why don't you like me?" napayuko ako ng tanungin iyon sa kanya. Somehow nasasaktan ako. Gusto ko lang malaman kung bakit, dahil hindi ko alam kung anong mali sa akin para ayawan niya. Hindi ko alam kung bakit ko ito tinatanong sa kanya ngayon. Nababaliw na siguro ako. Oo, baliw na nga ako para gawin ito. Kak

