Chapter 6

1128 Words
Hariette's POV Waaah! hinang-hina ang katawang lupa ko. Paano ba naman kasi hindi na naman ako nakatulog ng maayos, kahit anong gawin kong pagpikit still my eyes are wide open. Kasalanan niya ito! Kasalanan ng bakulaw na tutor na iyon! Ang sama niya, ang sama ng ugali niya! Ano bang akala niya sa akin? Dead na dead sa kanya at gano'n na lang ako maaapektuhan ng mga salitang binitawan niya? Well...aamin na ako, oo na, affected na ako pero hindi ako dead na dead sa kanya, slight lang. At hindi ko mapapalagpas ang pagsugat niya sa puso ko. Hinding-hindi! Dahil dyan, I'll give him what he deserves! Humanda siya sa akin! Isinumbong siya kay Darille! Sino si Darille? Siya lang naman ang bestfriend kong baklush, pero secret lang namen 'yon. Babalatan kasi siya ng buhay saka papahiran ng isang katerbang asin at ipapakain unti-unti sa mga pirana kapag nalaman ng papa niya na ang unico hijo niya ay isang bading. Darille siya sa umaga, pero sa gabi, guess what? He is Darinne! Oha. Ang ganda ng name. Mahal na mahal ko siya dahil mahal niya rin ako, walang halong kaplastikan. Kagagaling ko lang sa kanila. 8 am na no'ng magpunta ako doon at magsumbong at kakadakdak ko tungkol sa tutor kong bakulaw. Ayon, hindi ko napansing 11 am na pala. I'm super duper late. 10 am ang klase ko kaya siguradong galit na siya. Pagpasok ko sa bahay ay nagulat ako ng walang bumungad sa aking gwapo. Nakapagtataka? Umalis na kaya siya? Paghintayin ko ba naman ng isang oras. Dire-diretso na akong pumasok sa bahay, nakakapanlata talaga. I'm so sleepy. Gusto ko ng matulog. Wow. Who's this hotty guy na nakahiga sa sofa namin? Lumapit ako at lalo kong nakita ang kagwapuhan niya. Para talaga siyang anghel. Waah! Ang kyut niya! Ang sarap tabihan. Perfect ang shape ng mukha, perfect ang eyes kahit nakapikit, perfect ang nose niya, super tangos, perfect din ang lips. Lalo pa kong lumapit, ang sarap niyang titigan. Kahit siguro maghapon lang akong nandito at tingnan siya walang problema. Hinding-hindi ako mapapagod na titigan siya. Narinig kong humihilik siya, ang cute! Mukhang pagod na pagod ata siya. Napagod ba siya kakahintay sa akin o puyat siya kakaisip sa akin kagabi? Puwede both? Nakatagilid siyang nakahiga, hindi kaya siya napapagod sa puwesto niya ng paghiga? Nakakangawit kasi ang puwesto niya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig, para ayusin ang pagkakapuwesto niya. Marahan kong hinawakan ang braso niya para itulak sa gawing kaliwa para dumiresto siya ng higa niya, nakakaawa naman kasi siya. "Hmmmmm..." umungol siya na tila naalimpungatan. Akala ko naman ay nagising na siya! Hawak ko na ang braso niya ng bigla ay siya na mismo ang gumalaw at umayos ng higa kaya naman napasama ako sa kanya at nasubsob ako. Pero okay lang kahit habambuhay na akong nakasubsob dito...dito sa abs niya! Para tuloy kaming magkayakap pero syempre feeling ko lang 'yon. Ang awkward ng posisyon namin kapag may nakakita pero puwede bang enjoyin ko muna? Moment ko na ito. Habang ako'y nagpapantasya sa dibdib niya ay naramdaman kong gumalaw na siya. Nabigatan kaya sa akin? Magaan lang naman ako ah. Umangat ako ng tingin, napadako ang mga mata ko sa mukha niya. Nabigla ako ng makita ang tingin niyang matalim. "Anong sa tingin mo ang ginagawa mo ha?" sigaw niya sa akin. "Nagbe-breakfast at nagla-lunch na rin," sagot ko naman. "What?" galit niyang tanong. Nagbibiro lang naman ako, masyado talaga siyang seyoso. Ang sungit! "Nasubsob lang po ako. Masyadong oa ito, anong akala mo pinagnanasaan kita? Dah!" "Oo! Tayo na! Tumayo ka na d'yan! Ang bigat mo kaya! Nasiyahan ka naman sa pagdagan sa akin," pagkasabi niya noon ay umiwas siya ng tingin at bahagyang namula. Infairness, ang cute niya talaga! Gosh! Tumayo na nga ako mula sa pagkakasalampak ko sa abs niya. Maya-maya ay tumayo na rin siya sa pagkakahiga niya. Tiningnan kong maigi ang kanyang mukha. "Ang itim ng mata mo. Ang laki-laki rin ng eyebags mo. Hindi ka ba nakatulog mula nang tawagan kita? Inisip mo ko no?" taas kilay kong tanong. "Patawa ka. Bakit naman kita iisipin? In your dreams, Ms. Joey," nalungkot ako sa sagot niyang iyon. "Bakit ka d'yan natulog? May bahay ka naman? Bakit hindi ka pa umuwi?" tanong ko pa na naiinis sa kanya. "Hinihintay kita," sagot niya at nagningning ang magaganda kong mga mata. "Hinihintay mo ako? Na-miss mo ako?" sunud-sunod kong tanong. "Did you forget may klase tayo ngayon tapos darating ka dito 1 hour late? Inuna mo pa 'yong paglalakwatsa mo. Inuna mo pa 'yong date mo!" "Date? Hindi ako nakipag-date. Saan mo naman napulot yan? Huwag ka na mag selos. Ikaw lang kaya." "I'm not and will never be jealous! Never! Mark that! Let's go. Kailangan na nating maghabol sa mga lessons masyado ng maraming nasasayang na panahon," tuloy-tuloy na siyang naglakad papunta sa classroom namin. Nakakainis. Bakit ba kasi ayaw niyang aminin na iniisip niya ko kagabi? I rolled my eyes then sinundan ko na siya. Naisip ko tuloy bigla iyong pinag-usapan namin ni Darille kanina. "Why are you here girl?" bungad sa akin ni Darille. "Bawal bumisita?" "Well, pwede naman pero hindi ganito kaaga,girl! 8 am palang, it's a miracle," pinapasok na niya ako at akong si luka, dire-diretso sa kwarto niya. Sumunod lang siya sa akin. "Is there a problem?" "Gotcha girl." "Ano? Sino? Don't tell me 'yong bago mong tutor 'yan? Balita ko hindi mo pa pinapaalis? Okay ba? Magaling?" "Well, yes and his hot!" "HOTTY GUY? My gosh. Pakilala mo kao dali, girl." "Heh, magtigil ka! Akin na siya. Walang sulutan!" inirapan ko pa siya. "Kaya pala hindi ka na nakaalala sa akin simula no'ng nagturo na siya sa iyo. Busy ka pala sa pagtanaw ng maganda at makatulo-laway na tanawin. Makisig ba? Matipuno? Puno ng abs? Aabot ka ba sa langit kapag nginitian ka niya? Makalaglag saplot ba?" "Darille! Kung anu-ano ang itinatanong. Basta kapag nakita mo siya, gusto mo na siyang asawahin agad. Ganern!" "Hala ka! Girl! Gwapito talaga? Mala-adonis? Ma-abs?" binatukan ko siya sa kakatanong. "Aray ha. Hindi ka nakakasakit," reklamo niya na napahawak sa kanyang ulo. "Paulit-ulit kasi. Oo nga, ma-abs nga. Kanina mo pa tinatanong, baka pagnasaan mo 'yon mamayang gabi? Patay ka sa akin!" "Oh, sure. Sure ball," sabi pa niya. "Teka ano namang problema mo sa kanya?" "Kasi ganito iyon," kinuwento ko lahat, from the start. "In short, hindi niya ako gusto and that's my  biggest problem." "Oh, well. Alam mo parang hindi na ikaw ang Hariette na kilala ko. Dah? Hindi kita kilala na susuko na lang ng basta-basta! Mali iyan, girl! Maling-mali." "So, ano ng gagawin ko?" "Make him want you. Seduce him." "How?" "I'll teach you how. Don't worry, girl. This time, sagot kita!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD